nangyari lng sa ‘kin ‘to nung minsan na nasa antipolo ako, cogeo village to be exact..’di ko na sigurado kung anong araw yun kasi medyo matagal na..gumising ako ng maaga that day kasi me job interview / exam ako nun. eh ‘di ginawa ko na yung daily routine ko (’di ko na sasabihin kung ano yun..) tapos umalis na ko sa bahay ng tita ko..
on the way to cubao kung saan ako sasakay ng bus papuntang makati (tinamad akong magMRT dahil sobrang haba ng pila para sa ticket..), hindi ko pinapansin yung sounds nung patok na jeep..(for those na hindi alam kung ano yung patok na jeep, get a life..just kidding..sila yung mga jeep na maiiwan kung saan saan ung kaluluwa mo kapag nakakita sila ng highway..alam niyo na siguro kung baket..)anyways, nung nasa marcos highway na kami, saka ko narinig yung sounds nila..amp, love songs pala talaga lahat ng nasa playlist nila..hindi yung songs na remix (kung saan ang love song ay nilagyan ng background na drums tapos pinauulit yung ibang mga words / linya and sisingitan ng mga acknowledgement nang gumawa nun..tadaa!! remix na siya), talagang love songs na original..biyaheng langit yung sinasakyan mong jeep, medyo kakabahan ka din siguro kung nag-eemote pala yung driver niyo..mahirap isipin yung fact na mabilis magpatakbo yung driver tapos ang nasa isip niya eh kung baket siya iniwan ng kanyang iniirog..$#!&..
buti na lang nakaabot naman kami sa cubao nang buo..well, siguro yung mga 1/4 ng kaluluwa, andun pa sa katipunan, naglalakad pa papunta sa min..bigla kasi lumiko sabay bawi ung jeep, ayun..sumakay na ko nang bus papuntang makati..
fast forward na natin sa paguwi ko dahil boring yung part na andun na ko sa makati..etong part naman talaga na ‘to yung isusulat ko eh, masyado lang maikli kaya nilagyan ko nang intro..(sa mga nagtyagang magbasa, dito dapat kayo nagsimula, hehehe..punyet@, alam ko, hehe.. >=] )anyways, eto na..
nagiisip ako nung nasa bus pa lang ako kung ang sasakyan ko ay FX or jeep..kapag jeep kasi, mabilis ang byahe, kaso medyo mapolusyon..may sakit na ko nun kaya naisipan ko muna mgFX..mahal pamasahe, pero mas mahal ang gamot..bumaba ako sa may araneta tas naglakad papunta sa gateway kung saan ako sasakay ng FX papuntang cogeo..nakakagulat kasi yung kadalasang napakahabang pila, wala..mga 3 PM pa lang kasi siguro..sumakay ako dun sa likod, napansin ko kasi yung isang pasahero sa gitna, natandaan ko siya..siya yung tipo ng pasahero na walang pakisama..yung alam mo nang sikip na sikip na, hindi pa din siya gagalaw..kahit na kasya pa yung isang hita dun sa gilid niya, hindi siya gagalaw..kunwari magtutulugtulugan para hindi maistorbo at papabayaan yung ibang pasahero na umupo kahit kalahati ng pwet nila lamang yung nakalapat..ayos..tapos umandar na yung FX..kakalagpas pa lang ng flirt, may pumara na..pinatay ko muna sounds ko at nakichisbax..may mga sumakay ata sa may pagkatawid ng EDSA tapos dun lang pala bababa sa malapit, parang ganun ata..etong si manong driver, siningil ng tig-15 yung dalawang tao na nasa unahan..nagmura ngayon ‘tong si ate.. “ang tigas ng mukha niyo manong, ang lapit lapit lang, tig-kinse na agad kami?? araw-araw kami sumasakay, ang kapal ng mukha niyo..” ang pasigaw na bulyaw ni ate sa driver..50 binayad nila so nagtapon siya ng 10 pesos dun sa dashboard, kumuha ng 2 P20 bills, bumaba ng boyfriend (ata) sabay halos tanggalin na yung pinto dahil sa lakas ng pagsara..bad trip si manong driver, syempre..hindi naman niya binaba yung dalawa, asar..asar ako kasi sa ‘ming mga natitirang pasahero niya nilalabas yung sama ng loob niya..nagmonologue si manong simula dun hanggang sa may st. joseph sa aurora blvd.kahit na nakaheadset ako, kinig ko yung bunganga ni manong, yung mga mura, mga insulto, lahat..ang taba-taba daw nung pasahero na yun, dapat mas malaki daw singil niya..dapat pa daw, lakarin na lang niya para pumayat daw siya..tapos biglang tumahimik..ako, nakatingin lang ako sa labas kaya nagtaka ko..nilingon ko si manong, medyo natawa ko sa ginagawa niya..dahil dumaan kami sa tapat ng simbahan, hinahalikan niya yung krus sa may rear view mirror niya, nagsign of the cross, himas sa rosary tas hinalikan ulet niya yung krus..medyo natawa ako kasi kani-kanina lang, hindi mo aakalain na nagsisimba ‘tong si manong driver..sa lakas ng panlalait na binigay niya para dun sa 2 pasahero nung nagmomonologue siya, kulang na lang eh masunog yung mga yun..siguro nakahalata din si manong, tumahimik na siya eh..akala ko wala ng happenings so sinuot ko ulet yung headset ko at nagpatuloy makinig sa slipknot at metallica..pagdating dun sa me marcos highway, pagkalagpas lang nang katipunan, me sumakay na pasahero..hindi ko narinig kung saan siya bababa pero siningil pa siya ng driver ng 5 pesos..kulang pa daw yung bayad niyang 10 pesos..ayan, biglang pumara si ate (oo, babae ulet..), hiningi yung bayad, nagsorry tapos binagsak ulet yung pinto..ano bang meron dun sa manong driver na ‘to?mataas talaga siguro siya maningil..takteng buhay ‘to, nagsimula na naman si manong ng kanyang monologue kung saan siya ang laging lugi, na kaya naman mataas siya maningil ay dahil sa hirap ng buhay ( umamin din..)..nagkwento pa dun sa taong nasa unahan (bagong sakay lang, kawawang nilalang..) na nakainuman daw niya yung mga kapwa niya driver, halos wala na daw talaga sila kinikita..napangiti na lang ako..wala daw kinikita pero nagiinom sila, ayos..ang singil ng mga FX ay 30 pesos per head, tapos sa isang fx, pilit na pinagkakasya ang 10 na pasahero..2 sa unahan, 4 sa gitna at 4 din sa likod..so sa isang pasada, pwede sila makakuha ng 300 or more..hindi nila pwedeng sabihin na wla silang kinikita dahil mas madami ang demand kaysa sa supply..mas madami ang pasahero kesa sa mga sasakyan..tas ang mahal pa nila sumingil..ayos talaga..wala ng nakikinig sa kanya pero tuloy pa din ang monologue..nagmumura na naman siya nun..minumura niya lahat, simula sa gobyerno, pasahero, gobyerno, kapwa niya driver at ang gobyerno..lalo pang nag-init yung ulo niya nung nasa tapat kami ng SM Marikina..naghahanap siya ng pasahero dun kaya nagpumilit siya pumunta sa gilid ng kalsada..kahit na napakadaming naabala, talagang nagpilit siya gumilid..medyo natagalan kami dun, mga 15 minuto..tapos nung paalis na kami, may pumarada sa tapat namin, nagbababa nang lola..nagmura na naman tong si manong driver tas binusinahan ng binusinahan yung nasa tapat na jeep..umabante na yung jeep, gumilid tapos tinitingnan nung driver saka kundoktor si manong..mejo tumigil si manong tapos sinigawan yung 2.. “2 lang kayo eh!!” habang nakapeace sign para ipahiwatig yung sinasabi niya..sa loob kasi siya sumisigaw so malamang ay hindi siya maririnig nung 2 niyang “kaibigan”..kami kaming mga pasahero ang nabibingi..pinagpatuloy niya ang monologue..sobrang nakakairita na xa dahil paulit ulit na nga. wala pa siyang basehan sa mga sinasabi niya..siguro sinabi ko lang yun dahil naiinis ako sa kanya kasi parang me God complex siya..ewan..dumating na kami sa me simbahan na malapit sa Cherry Food-o-Rama..napangiti kami nung kasama ko sa likod dahil inulit na naman ni manong driver ung religious gesture niya..”ang plastik niya noh?” bulong sa ‘kin ni ate..napangiti na lang ulet ako sa kanya..tumigil kami para magpagasolina..nagulat kami dahil nasa 600 yung pinapasalin niya..mabagal magsalin yung mga pump dun, masyado na nga matagal yung byahe namin..nagreklamo na kaming mga pasahero..”manong, pwede bang konti lang muna ipagas mo?nagmamadali kasi kami eh..” tanong ni ate na kasama ko sa likod..aba, hindi kami pinapansin ni manong driver..lumabas siya at naglagay ng tubig sa radiator..”bastos si brad..” naisip ko..pagkatapos magsalin nang gas, nagpalinis pa si manong ng windshield..lalo kami nainis..baket hindi pa siya nagpalinis habang nagpapagas??amp..nung ok na at paalis na kami, humirit ulet si manong..nagtaas na naman daw ang gasolina..ngayon, wala na talaga pumapansin sa kanya..5 pa kaming pasahero nun..nakahalata ata si manong dahil nung tumingin siya sa min, napansin niya na nakaheadset kaming lahat..masama ang tingin niya sa ‘min..siguro kung si edward cullen lang ako tapos binasa ko isip niya, pinapatay na niya kami isa isa..tapos me dinaan ulet kami simbahan, ginawa niya ulet yung religious gesture niya..medyo natawa na kaming lahat..sabay sabay kami ng binabaan, dun sa may simbahan sa GSIS road..nagkangitian na lang as a way of saying goodbye tapos nagkanya kanya na kami..
nakakapagtaka na may mga taong katulad ni manong driver..
nakakainis dahil may mga taong katulad niya..
*sigh* siguro kasama sa ikot ng buhay yan..
punyet@..
No comments:
Post a Comment